Habang pauwi na ako galing sa work, nakasabay ko sa bus yung high school friend ko. Well, one of my closest friends before. Pero, dahil na rin magkahiwalay kami ng college sa university kung saan kami nag-aaral, eh nagkaroon na siya ng new set friends. And, feeling ko mas close na talaga siya dun. Di na rin kami nagkakatext or nagkakausap sa phone. Ayaw ko nang ako ang unang nagrireach out kasi nakakapagod na. Even isang simpleng text tulad ng "Kumusta na?" eh wala ako natatanggap mula sa kanya.
Mukha bang nagdadrama ako? Ramdam ko kasi talaga ang paglayo niya sa akin bilang kaibigan niya dati. Kanina, wala lang. Ang treatment ko sa kanya ay parang ordinaryong kakilala na lang. Ewan ko ba, feeling ko talaga wala akong closest friend. Nagkwento siya about her closest friend ngayong college na about to migrate na sa States. Aalis na this Monday. Umiiyak daw siya dahil sobrang lungkot nang pag-alis nung friend niya na yun. Naisip ko lang bigla, kung ako kaya ang magmamigrate, iiyakan din kaya niya ako? Malulungkot din kaya siya tulad nang pagkalungkot niya ngayon? I really doubt na Yes ang sagot niya...
Hello
4 years ago
No comments:
Post a Comment