Tuesday, September 22, 2009

He made my day!

Pagkauwi ko, may nagsend ng message sa akin using YM. Nag-hi. The second message came from him again asking someone kung kilala ko ba. Siyempre kahit pagod na pagod ako kasi kakauwi ko lang ay nag-online na lang ako agad. Minsan lang talaga kami magkausap. As in very rare ito. Kaya I always grab the oppurtunity na pwede akong makipagkwentuhan sa kanya. Super busy kasi yun. Doctor kasi. Habang ginagawa ko ang blog na ito ay online siya.

Eto pa ang nakakatawa, inadd niya ako sa Facebook! Eh kahapon lang I looked for him sa facebook kung may account na ba siya. Pero unfortunately, wala pa. Ngayon, biglang nakita ko sa friends request, inadd niya ako! Parang naalala ko pa, super tagal ko na siyang inadd sa friendster pero until now di niya pa ako na-add, pero ayun inadd na niya ako sa facebook. Ang nakakatuwa sa kanya, siya lagi ang nagri-reach out sa akin. Well, I always try to text him kaso dahil sa sobrang busy niya, hindi siya nakakapag-reply at di rin siya madalas nakakapag-online. Ang nakakatuwa and I have to admit it na nakakapagpakilig sa akin eh yung pagPM niya sa akin sa YM. Laging "Hi ..." with smiley pa minsan. I really appreciate that. Kasi... basta, crush ko kasi siya dahil sa sobrang smart niya at masayang kausap. Well, sabi nga nila nameet ko ang taong makakapagstimulate sa akin intellectually.

Sadly, I really think na straight siya. Pero it does not really matter. Okay na sa akin na we talk even seldom na nga. Masaya ako ngayong gabi kahit pagod ako from work. Sana mapasyal ulit siya sa workplace ko at makita at makapagkwentuhan ulit ako sa kanya. :-)

4 comments:

  1. syempre. actually, matagal ko na siyang di nakausap pero nung nakausap ko ulit nabuhay ang pagkacrush ko sa kanya! hehe!

    ReplyDelete
  2. I don't want to ruin your enthusiasm pero, naisip mo na ba na baka "GM" lang yung pagse-send nya ng 'Hi' with smiley?

    Madalas kasi sa mga taong busy, ganun eh...

    Nevertheless, I know how you feel. Madalas ko rin maramdaman yung ganyan. Kinikilig din ako ng todo kapag nagsesend SIYA ng messages sa akin through SMS or Instant Mesenger. Feeling ko ako lang yung nasa isip niya sa mga oras na yun... Ehe...

    So ayun, keep it up!

    ReplyDelete
  3. hindi siya GM eh.

    Kasi he always starts the conversation. Laging "Hi (my name)!". Pag nagreply ako, ayun, we talk a lot of things na. :-)

    Kaya yun ang kinakakatuwa ko sa kanya. Kahit hindi na kami nagkikita ulit.

    ReplyDelete