Monday, August 10, 2009

Ang Simula

Eto na. Matagal ko na talagang magsulat at gumawa ng isang blog na hindi kilala ng mga mambabasa ang katauhan ko. Gusto ko lang magkaroon ng isang blog na kaya kong sabihin lahat-lahat ng wala pretensyon.

Kailangan ko ata munang magpakilala... Ako'y isang hamak na lalaki na nagkakagusto sa babae at sa kapwa lalaki. Hindi ko naman problema ito kahit noong simula pa lang. Eto ako, tanggap ko naman.

Madalas akong nakakapag-online at nakakapagbasa din ng mga blogs ng ibang tulad ko. Nakakatuwa. Ang gagaling pa ngang magsulat ng mga nababasa ko. At karamihan sa kanila eh may mga minamahal na.

Eto na ang simula. Paglalahad ng mga kwento ko, ng mga saloobin ko, at mga istorya ng mga nakikita kong tao.

Ang simula.

4 comments:

  1. maligayng pagdating sa mundo ng blogworld! sulat lang ng sulat at maghihintay kaming basahin ang mga istorya mo.

    =D

    ReplyDelete
  2. uy may bago na naman. Welcome po. newbie din.

    ReplyDelete
  3. Dapat ba tagalog? Haha. Salamat sa... pag-follow. Looking forward to reading your entries :-)

    ReplyDelete
  4. hehe. pasensya na. salamat sa inyo. :-)

    ReplyDelete