Darn, I could not believe it. The week was over. I had been very busy this week. I had heaps of thing needed to do and a lot of people to meet up for consultations. They are all done now.
Sabi ko sa sarili noong gumawa ako ng blog na ito, bibigyan ko talaga ng time para makapagsulat ako kahit ng isang blog every other day. Kaso, ang hirap din pala kasi hindi ko naman alam ang mga pangyayari sa buhay ko. Madaming biglaan at nagiging matakaw pa sa oras. Kaya, madalas ay nagbabasa na lang ako ng blog imbes na ako ang magsulat ng blog para dito.
May mga tao from the corporate world na nameet ko last Tuesday. Una, may ipapaconsult lang. After nun, sa akin na pinagawa lahat na mga bagay na dapat sila ay gagawa. Tinanong ako kung magkano ang consultation, sabi ko 500. Eh papaano raw kung lahat ay ipagawa na sa akin. Nabigla talaga ako. Hindi ko naman kasi inaasahan. Tapos ang nangyari pa napa-oo na lang ako. Gusto ko naman yung topic na ipapagawa nila kaso medyo nakakastress nga lang. Tinanong ako magkano ba lahat kung ipapagawa nila lahat, sabi ko around 2,500. Tapos, sabi okay na raw, tapos kailangan ko pang i-explain sa kanila at ako pa ang pupunta sa workplace nila. Isarado na raw na 4,000 kasama na ang transportation fee doon. (E papano naman kaya yung effort diba?) Ako pa ang nag-adjust sa schedule nila kaya magkikita kami this week, sa halip na nasa bahay lang ako at nagpapahinga ay pupunta ako sa doon sa kanila.
Huli na nang nalaman ko na bigatin pala ang dalawang kausap ko. Yung isa eh lolo niya ang isang dating ambassador, tapos yung isa naman presidente ng isang kumpanya. Dapat ata nagbackground check muna ako bago ako nagpresyo. Feeling ko eh ang baba naman ng fee na sisingilin ko sa kanila. Kaso deal yun, at naclose na. Pero sabi nga, wag maging gahaman sa pera.
Sa loob-loob ko naramdaman ko kung paano kayang bilhin ng mga nasa corporate world ang oras ng isang trabahador nila, kung paano nila kayang kontrolin at hawakan ang buhay ng isang taong pinapasweldo nila. Medyo OA na siguro pero alam ko ganito ang mararamdaman ko kung magtatrabaho din ako sa mundo nila. Pero, maswerte ako. Hindi ko sila boss. Isang deal lang iyon. At pagkatapos, wala na. Tapos na ang usapanan. Isa ito sa mga rason kung bakit ako naging busy sa linggong ito, pero masaya naman kahit papaano kasi gusto ko nga yung topic na pinagawa nila.
Lesson of the story: Magbackground check muna bago magpresyo ng sisingilin. hahaha!

No comments:
Post a Comment