Saturday, August 15, 2009

Kabit-Kabit

Habang nagtatype ako ng 2nd blog ko, dumating 'yung asawa ng dati namin karpintero na nagtatrabaho ngayon sa Tita ko. Hindi raw umuuwi yung asawa niya sa kanila. Nasa 40-50 na siguro ang edad nung dati naming karpintero. Madalas na raw ang hindi pag-uwi nung asawa niya. At ang masama pa doon ay hindi na rin siya nagbibigay ng sustento o pera sa kanyang mga anak. Apat pala ang mga anak niya. Ang pinakamatanda ay kasing edad ko pa. Nagkekwento siya at hindi niya napigilang mapaiyak dahil sa kalagayan ng mga anak niya. Para sa kanya, ayos lang na mambabae ang asawa niya pero huwag naman daw sana pabayaan ang mga anak nila. Mahirap din kasi ang buhay nila.

Nagulat na lang talaga ako sa biglang pagdating niya rito, at naglabas ng sama ng loob sa asawa niya. Umalis sila ng Nanay ko at nagpunta sa Tita ko para magtanong kung may kasama raw bang kaibigan o babae ang asawa niya dahil madalas na ang hindi nito pag-uwi sa kanila.

Nakakalungkot lang ang mga bagay na ito. Kung kailan pa siya tumanda ay gumagawa pa siya ng mga bagay na ganito. Kung kailan pa may 4 na anak na siya at hindi pa nagsisipagtapos lahat ay gagawin niya ang ganitong bagay. Nakakaawa ang pamilya niya dahil sa kalokohang ginagawa niya.

Sigh.

2 comments: