Lunes nang gabi, wala akong magawa. Naiinip ako. Wala akong maka-text at wala akong makausap. Nainip na rin ako sa Facebook dahil yun at yun din ang nakikita ko. Binuksan ko ang iba ko pang social networking sites pero walang kahit anong bago. Ang ginawa ko - binuksan ko ulit ang MIRC. Matagal na rin akong hindi pumapasok dun - sa Bi-Manila. Dahil wala akong magawa, sinubukan ko ulit kung mayroon akong makakausap na matino dun.
Habang nagpopost ako sa main room ng ad ko, tumitingin ako ng iba pang sites. Dahil sa totoo lang, kung hindi sex ang habol mo, sobrang limit na papansinin ang ad mo. Naka-isang oras na wala pa rin akong makausap nang matino. May nagsend na ng message pero wala ring kwentang kausap. Maya-maya naisipan kong basahin rin ang mga ads na nakapost sa main room. May isang nakahuli ng aking pansin. Sabi niya 6 footer daw siya. Okay. Weakness ko talaga ang height. Gusto ko malapit sa height ko. Kasing tangkad ko or kahit mas mataas sa 5'8. Ayun. Hindi nga niya ASL ko. As usual. Pagkabigay ko, hindi na nagreply. Siguro dahil sa location ko. hehe. Anyway, walang pagsisisi. Sana nga lang hindi siya naghahanap ng sensible na kausap tulad nang nakalagay sa ad niya kasi siya mismo hindi sensible kausap, nang-iiwan pa sa ere.
Pagkatapos nito, nagbasa pa rin ako ng mga ads. May isang ad na nakahuli na naman ng pansin ko. Ayun, pinansin ko tuloy. Hindi kasi kasing usual ng iba yung pinost niya. At mukhang matino ang hinahanap niya. Kinausap ko. Tulad ng karaniwang gawain, palitan ng impormasyon tungkol sa sarili. Nursing siya. Graduate na. 23. Pero hindi pa nagtatrabaho. Magtetake pa lang siya ng board exam sa katapusan. Sabi ko sa sarili ko, utang na loob, nursing na naman. Ang huling relationship ko kasi eh nursing din. Registered nurse na pala siya ngayon. Pero immature pa rin. :-)
Sabi ko I'm working part-time and I'm still studying. Mukhang napatigil siya. Gusto niya ata eh kumikita na. Bigla ko tuloy dinugtong na I'm pursuing my graduate studies. (Tumalbog siguro siya kaagad.) Then, he asked me where I am studying, sabi ko sa UP. As usual, napa-wow siya. Ewan ko ba. Ang taas ng tingin nila sa UP. Pero ganun na nga, nagkausap kami. May mga napagkwentuhan at sabi ko sa sarili ko, okay siyang kausap. Namiss ko yung ganitong chat, sa loob-loob ko. Bihira na talagang makakausap nang ganoon. Sabi ko, mind to exchange digits? Then, he gave his number. Binigay ko rin yung akin. Sabi ko, I'm sleepy na. Text text na lang. Tapos, I think I was the one who insisted to have a phone chat. He gave his landline and we had a phone conversation.
The phone chat lasted for an hour din. Madami kaming napag-usapan. Stranger pa rin tingin ko sa kanya and, most likely, ganun din siya sa akin. Pero parang nung nag-uusap kami parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Sabi ko, antok na talaga ako. May pasok pa ko bukas. It ended there. Kinabukasan, text siya nang text sa akin. Actually, since nagkawork ako, hindi na talaga ako pala-text. I even attempted to apply for a postpaid subscription pero sabi ko sayang lang kasi hindi na nga ako pala-text. So, I was forced to subscribe sa immortaltxt para makareply ako. Ayun, okay siyang katext. Ayaw ko lang yung pagiging makulit niya minsan pag matagal akong magreply. Grabe, sa loob-loob ko, mas matanda ito sa akin ah. Dapat mas patient siya sa akin. It turns out na mas impatient pa siya. Parang bata.
The next day, almost 11 p.m. na ako nakauwi because of my graduate classes. Sabi niya, usap daw kami. Nasa inuman siya with his two girl friends. Despedida raw kasi. So ayun. He called me. Hindi naman siya lasing kaya okay namang kausap. Pinakausap pa nga sa akin yung mga friends niya sa akin eh. His friends know. So, ayun. Ang tagal. 1 a.m. na kami natapos mag-usap. Around 2 hours kaming nagkausap sa phone. Sabi ko, namiss ko talaga yung ganito. Ang tagal na since yung last phone conversation ko na sobrang tagal. Nagpahinga kasi talaga ako sa paghahanap. (hahahaha!)
Anyway, the next day. Nagtetext na naman siya. At makulit pa rin. Pero hello naman, ilang oras na kami magkausap noong gabi. Tapos pati sa text gusto pa rin niya akong kausap. Ang punto ko lang naman, madaling magkakasawaan kapag ganito. At, yun nga ang nangyari sa amin.
I asked him if I could call him that night. Pagkauwi ko, tinawagan niya ako. He was watching a video streaming a net that time. Ang focus niya eh yun at hindi ako na kausap niya noong oras na iyon. So meaning, hindi siya masyadong nagsasalita. Ang tagal na walang nagsasalita. Ayaw ko ring magsalita dahil sa ginagawa niya. Sana hindi na lang siya tumawag. Sabi ko, inaantok na ako. Sabay baba ng phone. Naasar talaga ako noon. Kinabukasan, madalang na siyang magtext. Naramdaman ko naman na may pagkasawa na sa part niya. Kaya, okay lang sa akin. Hindi naman ako nag-expect sa kanya. Unlike before, sobrang dali kong maattach sa mga tulad ng ganyan.
Kinabukasan, nagtext siya. Sabi niya punta ko sa inyo. Overnight ako sa inyo. Well, siyempre sinabi ko ang totoo. Sabi ko, hindi pwede. Mahigpit nanay ko at hindi ako nagdadala sa bahay namin. Malamang, isa lang ang hangad niya. I'm so disgusted. So ngayon, nagkasawaan na kami. Tatlong araw. Three days lang. Expired na agad siya. TSk tsk. Ang hirap talagang makahanap ng magiging partner ngayong panahon na ito.
Sana matagpuan ko na siya at magtagal nang hindi lang three days kundi hanggang may nararamdaman kami para sa isa't isa. (Cheesy...)
Hello
4 years ago
indi sya cheesy. reality ito among our "kind". sabi nga ng isang blogger, na marami ng karanasan sa ganitong bagay, huwag na lang maghanap at saka daw ang "the one" dadating.
ReplyDeletewhy not create/start a hobby or something para maging busy ka? para matulungan ka rin nito na in a way maalis pansamantala (not completely matigil) ang longing for intimacy. =)
mahahanap mo din yan... at totally nakaka relate ako sa iyo. hehehe!
ReplyDelete