Siguro naman, lahat ng makakabasa nito eh sasang-ayon sa akin na marami ang mga employado ng gobyerno na napakasungit, napakasuplado, at napakamainitin ng ulo. Tama naman ako diba?
Nakukuha naman siguro nila ang sweldo nila sa tamang oras. Kung hindi man, nagwala na ang mga iyon lalo na't maliit ang sweldo ng mga taong yun. Malamang ay alam na nila nang pumasok sila sa ahensya ng gobyerno na maliit lang ang sweldo nila doon. Tinanggap pa rin nila ang trabaho. Pero hindi naman nararapat na maging ganoon ang ugali ng karamihan sa kanila. Nakakaasar kasi talaga.
Noong nakaraang linggo nagpunta ako sa isang opisina ng BIR. Oo, mag-uumpisa na akong magbayad ng buwis. (At medyo nalalakihan talaga ako sa kinakalatas na buwis sa sweldo ko, pero ang daan namin sa labas eh bako-bako pa rin. Buti pa ang mga squatters eh napapagawaan ng relocation sites.) Isang oras bago magtanghalian eh nakarating na ko sa BIR kasama ang kaibigan ko. Siyempre, bilang first time ko eh, nagtanong agad ako. Mali yung pinuntahan kong una. TIN CARD kasi ang nakalagay. Kaya, akala ko doon kukuha ng TIN. Hindi ako pumila agad, nagtanong muna ako. Tinanong ako ng lalaking ito kung saan ako nagtatrabaho. At, dahil nakaramdam ako ng kasungitan sa pananalita niya, with conviction talaga nang sinabi ko kung saan ako nagtatrabaho! Mukhang nasupalpal ko siya noon. So, 1 point na ko! hahaha!
Around 15 minutes lang ang inantay ko para makakuha ng TIN. Pero sa tingin ko eh mas madali yun kung hindi nakikipagkwentuhan yung nag-aasikaso noon sa loob ng opisina. Pagkatapos noon, pumila na ako sa TIN CARD dahil yun na ang next step pagkatapos kong makakuha ng TIN. Another 15 minutes na naman ang inantay ko. Medyo mahaba na kasi ang pila at mabagal kumilos ang masungit na lalaki na ito. Nang ako na ang nakasalang, kinuha niya yung form ko at sabi sa akin bumalik na lang ako pagkatapos ng 2 araw. Naasar lang ako dahil nag-intay ako ng 15 minutes eh wala pa akong mapapala. Sana, inabot ko na lang sa kanya. Sa madaling salita, umuwi na ako pagkatapos noon. Wala akong ideya kung ano ang itsura ng isang TIN CARD kaya akala ko plastic siya, maganda, etc. Kaya medyo na-excite pa ako sa pagbalik ko doon.
Nagdalawang isip pa ako kung babalik pa ako ulit sa BIR dahil tinatamad akong pumunta dahil medyo malayo at alanganin sa biyahe ko pauwi. Pero dahil sa excitement ko, napilitan akong pumunta pa rin. Kaya ayun. Napadpad na naman ako sa BIR. Ang tumambad na naman sa akin eh yung masungit na lalaki. Wala akong choice dahil siya ang nag-iissue ng TIN CARD. Sa madaling salita, pumila ako. Pang-lima ako. Pero naging mabilis ang usad dahil nga pinapabalik niya pagkatapos ng 2 araw. Ako na dapat ang susunod sa lalaking nauna sa akin, pero nagtagal siya dahil hinahanap pa niya yung TIN CARD niya sa isang basket. At medyo nanlumo ako nang makita ko na isang maliit na piraso ng board paper lang pala yun! Kala ko may picture taking pa, ang cheap talaga. Nag-antay ako ng mga 3 minutes. Ang tagal nung lalaki. Tapos tinanong ako nung masungit na lalaki kung ano raw ang pinunta ko dun, sabi ko ike-claim ang TIN CARD. Tapos tinanong ako kung kailan daw ako ng punta. Sabi ko, noong Lunes pa. Ang sabi niyo ngayon ako bumalik. Tapos, sabi niya, hanapin ko na lang dun sa basket na ang daming nakalagay na TIN CARDS!
Alam ko, base sa pagkakita ko sa basket, na hindi organized. Walang sistema. Binalewala ko muna. Sabi ko sa sarili, patience is a virtue (sometimes...). So, naghalungkat ako. 1 minuto... 2 minuto... hanggang umabot na ng 10 minuto... Wala pa rin! Nakakakita na ako ng JUNE 2008 na TIN CARD. Grabe, lumagpas na ata ako. Hinanap ko ulit dun sa nauna kong nahalungkat. Tapos, sa asar ko, tinanong ko yung masungit na lalaki, PAANO HO BA ITO NAKAAYOS? Natawa na lang ako sa sagot niya, "Ahh. Kasi natatambak na dyan pag may naghalungkat eh." In short, walang sistema ang pagkaayos ng mga TIN CARDs na yun. 2 points na ako! Napahiya na naman siya.
Sa sobrang asar ko dahil di ko talaga makita, nagkukunwari na lang akong naghahanap. Tapos sabi ko, nung Lunes ko lang ho binigay sa inyo at ang sabi niyo ngayon ko balikan. Eh wala na ho akong makitang date dito na nung Lunes binigay eh. Dahil sa isang siglo na akong andun, hinalungkat niya yung mga forms na nasa table niya. LINTIK TALAGA! LINTIK! Andun pa sa table niya yung form ko, at wala pa yung TIN CARD na cheap! Nakakaasar talaga. Ang tagal kong nag-antay sa paghahanap sa wala. Napahiya na naman siya! 3 points na ko. Ang sungit kasi. Parang ako pa ang nabeblame dahil di ko makita, eh sila nga ang walang sistema.
Kung magsusungit lang sila sa mga mamamayan na dapat nilang pagsilbihan, nararapat lang na huwag na silang magtrabaho sa kahit anong ahensya ng gobyerno. Nakakairita kasi ang mga taong ganun. Ang kikitid ng mga utak. Hay...
Dapat atang bigyan ng parangal ang mga mababait na employado ng gobyerno kasi magigign extinct na sila.