Yes. At last, may kasunod na ang blog ko last February pa. Ibig sabihin ngayon lang ako nagkaroon ng dahilan para makapagsulat.
Kahapon habang ako ay nasa bus pauwi, marami akong bagay na iniisip. Parang hindi na ako masaya sa ngayon. May mga bagay akong gustong gawin pero hindi ako binibigyan ng pagkakataong gawin ito. May mga bagay din akong nakikita na sa palagay ko ay hindi tama. O minsan parang napaka-perfectionist at idealistic ko lang talaga? May mga taong dati ay iniidulo ko pero ngayon ay hindi na dahil nakikita ko na ang ibang mga gawain at ugali nila. Hindi ko alam kung bakit biglang ang mga bagay na ito ang mga tumatakbo sa isip ko ngayon.
Gusto kong magtrabaho sa Makati. Kahit ano. Basta makapag-ipon ako at makabili ng kotse. Pangarap ko talagang makabili ng kotse. At gusto ko na ring manirahan sa Makati. (Dahil dito sa amin sa Makati - remember the Binay ads... )Gusto ko ring maranasang makapagsuot ng mga corporate attire - naka-long sleeves at leather shoes. Parang ang saya na papasok ako na nakaganito at uuwi rin na ganito ang suot. Makikipagsiksikan din sa MRT. (Actually, ayaw ko ng siksikan pero pakiramdam ko eh karanasan din ito.)
I'm earning well as of now. But I don't think I fit in this world. I need more patience. I can't leave my work until 2012. Tagal pa! I hope something significant happens in the near future to help me decide which road to take...
Ngayon, sobrang haggard ako. Sa work. Sa studies. Gusto kong mag-unwind. :-|
Behind the silence
1 year ago
mag-bakasyon engrande ka muna'
ReplyDeletepag may pagkakataon : )