Kahapon, may parada ng Sto. Nino sa amin. Aktibo lang talaga ang lugar namin sa mga gawain sa simbahan. Nanood ako kasama ng Nanay ko, Tita ko, mga pinsan. Ang nakakatuwa lang talaga eh ang pakikipaglaban ko sa ibang nanood sa pagkuha ng mga palaagaw ng mga kendi sa daan. Natatawa rin ako sa sarili ko. Biruin mo, sa laki kong ito nakikipag-agaw pa ako sa mga bata. Pero, in fairness, nakadami rin ako sa nakuha kong mga kendi. Hindi naman para sa akin yun, pero para sa mga maliliit kong mga pinsan. At eto pa ang nakakatawa, siyempre, hindi mawawala ang mga oportunista na may balak tumakbo sa halalan. Sobrang galanteng mamigay ng mga kung anu-ano para sa mamamayan para maramdaman ang kanilang presensya. Para ngang gusto kong maglagay ng karatula o plakard na "Oportunista ka!". Naku, lumalabas na naman ang pagiging iskolar ko ng bayan. hehe
Pero pagkatapos nun, ewan ko ba. Biglang sinakop ako ng kalungkutan. Di ko rin maintindihan sarili ko kahapon. Pagkauwi ng bahay eh yun na ang naramdaman ko. Wala naman talaga akong iniisip nun. Bigla na lang sigurong naisip ko na more than 2 years na akong walang love life. Nasentro din kasi ako sa pag-aaral ko at ngayon sa pagtatrabaho. Hindi ko muna inintindi ang LOVE LOVE LOVE. Eh, wala rin namang lumalapit. At may lumapit nga, sinaktan lang naman ako at iniwan ako sa ere.
Yun siguro yung naramdaman ko. Malungkot ako kasi nag-iisa ako. Hanggang ngayon...
We know very well that most people are superficial. I feel that I'm unattractive. Isa yun siguro sa isang mga dahilan kung bakit until now I'm single.
Gusto kong ma-engage sa sports like badminton and swimming. Ang problema ko lang talaga wala akong kasama. Gusto ko ring mag-gym to lose weight. I gained weight since for the past couple of years. (Di ko naman dream maging buff pero I just want to lose weight...)
Sigh. Minsan ayaw ko nang isipin ito. Pero, there's no way to escape this. I have to deal with this whether I like or not.
Hello
4 years ago