Monday, October 26, 2009

Gone

Hindi ko na maalala kung ano ang itsura niya nang dumating siya sa bahay namin. Siguradong sobrang liit niya pa noon. Nakakatuwa. Masarap alagaan. Naging ulila na ako sa mga katulad niya kaya’t hindi ko talaga maiiwasang sabikin at matuwa nang lubusan nang makita ko siya.

Nasa elmentarya pa ako noon. Hindi ko matandaan kung nasa ikaapat o ikalimang baitang na ako noong dumating siya. Habang tumataas ang baitang ko sa eskwelahan ay nakikita ko rin ang paglaki niya, mula sa maliit at mukhang naghahanap nang kalinga hanggang sa nakakalakad na siyang mag-isa at nakakatakbo na nang mabilis.

Dumaan ang pagtatapos ko sa elementary at nandoon siya. Sa apat na taon ko na inilagi sa hayskul eh mas naging magkalapit kami. Siya ang madalas kong kalaro kapag nasa bahay ako. Siya rin ang lagi kong hinaharot. Madalas rin akong magpahabol sa kanya. Nakikipag-agawan sa kahit anong tela lalo na sa bola.

Kapag tinatamaan siya ng pagkakasakit ay hindi na ako mapakali kung ano ang gagawin ko sa kanya. Ang ginagawa na lang naming ay sinusubuan siya ng asukal para manumbalik ang lakas niya. Naaalala ko pa noon na gustong gusto niya ang MARIE, yung biskwit na mamiso pa dati at lagging isinasahog ng nanay ko kapag nagtitimpla siya ng bola-bola. Matamis din kasi at malutong. Kapag kumakain kami ng chichiria ay hindi niya matiis na hindi humingi sa amin. Siyempre, hindi rin naming matiis na bigyan siya.

Naaalala ko pa noon ay laging nasa labas siya at gusto laging pumasok sa amin. Madalas ko ring hinihila ang nguso niya at bigla naman siya kakawag para makakawala. Ako at ang tatay ko rin ang madalas nagpapasyal sa kanya sa labas at nagpapaligo sa kanya kada linggo.

Kapag gutom na siya, hindi maiiwasan ang pag-iingay niya. Minsan naaasar kami dahil sa ingay niya. Pero madalas, natutuwa pa kami dahil ibig sabihin noon ay dapat na naming siyang bigyan ng pagkain. Madalas din siyang mag-ingay kapag may taong tumatawag sa may gate namin at hindi niya kilala habang kumakawag ang buntot niya.

Kakaiba ang kulay niya. May pagkamala-beige ang balahibo niya sa tuktok o likod niya. Puti na ang kulay sa bandang tiyan at leeg. Minsan nga ay nagbubuhol-buhol pa ang balahibo niya sa may tainga dahil mahaba na at nababasa kapag pinapapaliguan siya. Maliit lang siya. Pero pahaba nang konti.

Lagi ko siyang kinikiliti at hindi mapakali ang kanya paa. Napapahiga pa siya noon. Tapos, bubuhatin ko siya parang sanggol. Hindi siya iimik. Nakatingin lang sa akin. Parang napakapayapa ng pakiramdam niya pag binubuhat ko siya.

Pumasok ako ng kolehiyo. Walang masyadong pagbabago. Medyo naging abala ako sa eskwelahan dahil sa sobrang dami nang ginagawa. Hindi ko na siya maasikaso gayun din ang pamangkin niya, isa pa sa alaga ko. Dumating ang Hulyo ng 2007. Binisita ko sa kulungan ang pamangkin niya. Gusto ko siyang pakainin dahil napansin kong hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya, nang hipuin ko siya ay malamig na siya at matigas na. Wala na siyang buhay. Nang nangyari yun, hindi ko na hinyaang nasa labas lang siya. Simula noon, naging tahanan rin niya ang tahanan namin.

Ilang buwan lang ang nakaraan ay nagkasakit siya. Mukhang latang lata siya. Ayaw kumain ng kahit ano. Puro asukal lang ang pinapakain namin sa kanya. Dinala namin siya sa pinakamalapit na doctor. Nagpablood test siya. Binigyan ng supplements sa pamamagitan ng inheksyon. Sabi niya, sa bato raw ang problema. Hindi na raw magtatagal ang buhay niya. Pero, binigyan pa rin siya ng gamut at bitamina. Hindi ko talaga tinigalan ang pagpapainom sa kanya ng gamot at suplimentaryang tabletas. Hindi rin nagtagal ay bumuti na rin ang pakiramdam niya. Gumaling siya. Tuwang-tuwa talaga ako noong panahon na iyon. Hindi ko inaasahan iyon dahil na rin sa sinabi ng doktor sa kanya. Mas lalo ko siyang pinahalagahan. Mas lalo ko siyang inalagaan. Mas lalo ko siyang minahal.

Nagtapos na ako ng kolehiyo at buhay pa rin siya. Halos nakita niya ang lahat nang pangyayari sa buhay ko mula sa huling mga taon ko sa elementarya hanggang sa nagkatrabaho ako ngayon.

Pag dumadating ako mula sa eskwelahan, siya ang unang sasalubong sa akin at hindi ako lalayuan habang naghuhubad ako ng medyas at sapatos. Gustong gusto niyang hinihimas ang kanyang ulo. Para siguro sa kanya ay lambing ko na iyon sa kanya. Pag tulog pa ako eh hindi siya mapakali at laging binibisita ang pintuan ng kwarto ko.

Nang dumating si Ondoy, pinasok nang baha ang loob ng bahay namin. Ikalawang beses pa lang itong nangyari sa amin. Kailangan kong ipasok siya sa kulungan noon dahil mababasa siya at malulubog sa baha. Madaling nawala ang baha noon sa amin. Pagkalinis naming ng bahay ay inilabas ko na siya. Nagmukhang matamlay na siya. Sinusubukan kong pakainin pero ayaw niya.

Ilang araw pagkatapos noon ay humina siyang kumain. Minsan pa nga eh kailangan ko pang subuan para kumain siya. Nagpabili pa ako sa nanay ko ng atay ng manok dahil yun ang paborito niya. Di naglaon eh naririnig na naming humuhuni siya na tila ba ay umiiyak. Pag hinihimas ko ang ulo niya ay tumitigil naman siya. Pero, lumala pa iyon. Nagigising kami tuwing gabi dahil sa sobrang lakas na ng iyak niya. Hindi na rin siya kumakain at hindi na rin siya makatayo. Gatas at tubig na lang ang ini-intake niya. Sa bawat pag-iyak niya, nahihirapan din ako dahil alam kong nahihirapan siya at wala akong magawa. Dinala namin siya sa doktor para magpakonsulta kung ano ang nangyayari sa kanya. Nagpablood test ulit siya. Sabi ng doktor eh may viral infection raw siya at matanda na rin daw siya kaya hindi siya makatayo. Nagbigay siya ng mga vitamins at gamot para sa buto. Puro supplements na lang daw ang pwede niyang ibigay.

Nang narinig ko lahat nang iyon, sinabi ko sa sarili ko na dapat ko nang tanggapin na kahit anong oras ay pwedeng may mangyari na sa kanya. Sobrang nalungkot ako. Naiisip ko yun pag nasa bus ako. At muntikan na akong maluha. Mahal ko lang nang sobra ang alaga ko. At hindi ko pa matanggap kung ano man ang mangyayari. Ilang araw din kaming napuyat nang nanay ko sa pag-aalaga sa kanya kapag umiiyak siya sa medaling araw.

Nang pinainom ko na siya ng mga tabletas na nireseta ng doktor, parang mas lumala ang nararamdaman niya. Hinihingal siya lagi. Parang hirap na siyang huminga. Ayaw na ring uminom ng gatas na binibigay ko gamit ang hiringgilya. Hindi na rin siya mapakali. Umuungol na rin siya madalas. Sa mga panahong ito, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Gusto kong dugtungan pa ang buhay niya kung kaya ko. Hindi ko matanggap na sobrang bilis ng mga pangyayari. Hanggang sa isang umaga bago ako pumunta sa trabaho, binuhat ko siya at bigla siyang umihi. Nagulat ako nang nakita ko na may dugo nang halo ang ihi niya. Mas lalo akong nalungkot doon. Nahihirapan na ako para sa kanya. Alam kong hirap na hirap na siya sa nararamdaman niya.

I really prayed that night. I told God not to give more burden to my beloved pet. I cried really hard. The next day, she seemed so weaker. She did not want to intake any liquid anymore. But still, I was trying to give her milk. I was forcing her really. I was hoping for a miracle that time. I kept myself busier that day to divert my attention. I was getting more and more depressed with what I had seen. I knew very well how painful it was for her to experience that. When the afternoon came, she was asleep. I finished my dinner and she was still sleeping. I tried to wake her up but she was not responding anymore. She was “comatose.” I went to my room. I cried again. The time was nearing. She would be bidding farewell to us anytime. I did something to divert my attention then my mother called me.

Tinaas niya ang ulo niya. I held her in my arms. Nakita ko na naghihingalo na siya… na malapit nang malagutan siya ng hininga. Ang bilis ng lahat ng pangyayari. Hinahabol niya ang hininga niya. Isang hinga. Isa pang hinga. Sumubsob na siya. Hawak ko pa rin siya. Umiiyak na ako ng panahon na iyon. Hindi na siya humihingi. Sinubukan kong pakinggan ang kung tumitibok pa ang puso niya. Pero wala na. Iniwan na niya kami. Tapos na ang lahat ng paghihirap niya.

I cried really hard. My mother did too. My pet dog for more than a decade just passed away last 22nd. Now, I still feel empty. I always look forward when I wake up that I will see her outside the door of my room. But everything will not happen again. She’s gone. And, she will never come back. But her memories live on. She is one of my beloved dogs. She was my friend who loved me unconditionally.

As of now, I am not yet ready to have a new dog. I am not ready to get attached with a new pet. It really hurts when they leave.

Monday, October 19, 2009

Heart Broken

Should I say that I had my heart broken by someone I really liked so much?

I was about to write a blog regarding him. The week after Ondoy wrecked many properties, I went back to school. After school, I always take a rest. But that week, I felt sick. It's as if I would be having flu and fever. I already took my meds then I went online and opened my FB account. I posted in my status that I felt sick that time. After some hours of surfing the net, I closed my laptop and went back to rest because I had work the next day.

After work, I opened my FB account again. It seemed nothing new except for a new message in my inbox in FB. It was my ultimate crush, for being cute and very intelligent guy. He was giving me pieces of advice on what I should do regarding what I was feeling that time. I just got shocked with that because I did not expect something like that from him. I felt that he was caring for me. It was kinda unusual because why give me a personal message instead of just leaving a comment on my status. (Or, was I just giving some other color to that?)

Super kilig ako nung nabasa ko yun. I was not really expecting something like that especially from him. Parang na-glue gun ata ang ngiti ko sa mukha nung araw na iyon. Super saya ko. Tapos nagreply ako, I told him I felt better na. I took Biogesic already. I hope that I would be okay until the end of the week because I had a lot of things to do. Tapos, nagbigay na naman siya ng advice after I replied to his message. Wala lang. Nasa cloud 9 ako nung mga panahon na iyon.

He is the same guy na namention ko sa previous blog ko na laging nagmemessage sa akin sa FB at YM.

After nun, I always check on his FB account. hahaha! Di naman ako stalker pero I wanted to see his latest updates. Tapos isang gabi, last Thursday night lang I saw his relationship status. Nalakagay MARRIED TO __________. Wala na. Gumuho na ang mundo ko. Girl yung karelasyon niya. So, wala na ang ilusyon kong hindi siya straight. May konting depression pero tanggap ko na. Kaya ngayon, hindi ko na vinivisit ang kanyang page. hahaha! Para maka-move on na ko at makahanap ng bagong ultimate crush. :)

Saturday, October 3, 2009

Lost Soul

I do not know if it would be appropriate to call myself a lost soul right now. I want to do so many things and I just do not know how to start even one of them. I have so many plans but none of them have been realized yet. Darn. I am lost, indeed.

I was reading a book and analyzing some items there. I do understand the concepts and yet I cannot fully understand the items which I need to analyze. I am really a having a difficult time looking for answers. It's as if I could not complete the missing piece of a puzzle. I am just wondering why others could easily finish the puzzle and here I am, a lost soul. I do not know if the path I am taking right now were for me. I love what I am doing but it really irks me a lot when I cannot accomplish things like this. I'm good but I think I have to work on something in me that I cannot figure out yet. I would like to solicit a piece of advice from a former mentor this coming week. I need to find solution for this dilemma. I need to be enlightened as soon as possible. This drives me crazy and a little depressed.

In addition to this, I am still open for other "paths." I want to look for another career or profession but I do not want to leave my current profession. I just want something else to keep me busy with. I am thinking what profession would be suitable to me. I just hope I can find the answers eventually so that I can get out of this bleak state of mind.