Wednesday, September 29, 2010

Which Road to Take?

Yes. At last, may kasunod na ang blog ko last February pa. Ibig sabihin ngayon lang ako nagkaroon ng dahilan para makapagsulat.

Kahapon habang ako ay nasa bus pauwi, marami akong bagay na iniisip. Parang hindi na ako masaya sa ngayon. May mga bagay akong gustong gawin pero hindi ako binibigyan ng pagkakataong gawin ito. May mga bagay din akong nakikita na sa palagay ko ay hindi tama. O minsan parang napaka-perfectionist at idealistic ko lang talaga? May mga taong dati ay iniidulo ko pero ngayon ay hindi na dahil nakikita ko na ang ibang mga gawain at ugali nila. Hindi ko alam kung bakit biglang ang mga bagay na ito ang mga tumatakbo sa isip ko ngayon.

Gusto kong magtrabaho sa Makati. Kahit ano. Basta makapag-ipon ako at makabili ng kotse. Pangarap ko talagang makabili ng kotse. At gusto ko na ring manirahan sa Makati. (Dahil dito sa amin sa Makati - remember the Binay ads... )Gusto ko ring maranasang makapagsuot ng mga corporate attire - naka-long sleeves at leather shoes. Parang ang saya na papasok ako na nakaganito at uuwi rin na ganito ang suot. Makikipagsiksikan din sa MRT. (Actually, ayaw ko ng siksikan pero pakiramdam ko eh karanasan din ito.)

I'm earning well as of now. But I don't think I fit in this world. I need more patience. I can't leave my work until 2012. Tagal pa! I hope something significant happens in the near future to help me decide which road to take...

Ngayon, sobrang haggard ako. Sa work. Sa studies. Gusto kong mag-unwind. :-|

Saturday, February 13, 2010

(No) Love. Love. Love.

Yes, it's the big day tomorrow. It's V-day!

So what? LOL

It's been 2 years and 3 months of being single. During my first two years after my last relationship, the feeling of being alone is alright. It's still tolerable. But now, I suddenly feel this incompleteness and emptiness inside of me.

This is reality. It's so hard to find serious guys, to find guys who will fit in with my personality, to find guys who are honest and loyal. Ang hirap.


Pero still, I am hoping. Ayaw ko lang talagang dumaan ang February 14 bukas. hehe! Di ba pwedeng pagkatapos ng 13 eh 15 na lang? :-)

Maligayang araw ng puso sa mga inlab. Sa mga hindi, magmukmok na lang tayo. :-D

Monday, January 18, 2010

When Depression Takes Over Me

Kahapon, may parada ng Sto. Nino sa amin. Aktibo lang talaga ang lugar namin sa mga gawain sa simbahan. Nanood ako kasama ng Nanay ko, Tita ko, mga pinsan. Ang nakakatuwa lang talaga eh ang pakikipaglaban ko sa ibang nanood sa pagkuha ng mga palaagaw ng mga kendi sa daan. Natatawa rin ako sa sarili ko. Biruin mo, sa laki kong ito nakikipag-agaw pa ako sa mga bata. Pero, in fairness, nakadami rin ako sa nakuha kong mga kendi. Hindi naman para sa akin yun, pero para sa mga maliliit kong mga pinsan. At eto pa ang nakakatawa, siyempre, hindi mawawala ang mga oportunista na may balak tumakbo sa halalan. Sobrang galanteng mamigay ng mga kung anu-ano para sa mamamayan para maramdaman ang kanilang presensya. Para ngang gusto kong maglagay ng karatula o plakard na "Oportunista ka!". Naku, lumalabas na naman ang pagiging iskolar ko ng bayan. hehe

Pero pagkatapos nun, ewan ko ba. Biglang sinakop ako ng kalungkutan. Di ko rin maintindihan sarili ko kahapon. Pagkauwi ng bahay eh yun na ang naramdaman ko. Wala naman talaga akong iniisip nun. Bigla na lang sigurong naisip ko na more than 2 years na akong walang love life. Nasentro din kasi ako sa pag-aaral ko at ngayon sa pagtatrabaho. Hindi ko muna inintindi ang LOVE LOVE LOVE. Eh, wala rin namang lumalapit. At may lumapit nga, sinaktan lang naman ako at iniwan ako sa ere.

Yun siguro yung naramdaman ko. Malungkot ako kasi nag-iisa ako. Hanggang ngayon...

We know very well that most people are superficial. I feel that I'm unattractive. Isa yun siguro sa isang mga dahilan kung bakit until now I'm single.

Gusto kong ma-engage sa sports like badminton and swimming. Ang problema ko lang talaga wala akong kasama. Gusto ko ring mag-gym to lose weight. I gained weight since for the past couple of years. (Di ko naman dream maging buff pero I just want to lose weight...)

Sigh. Minsan ayaw ko nang isipin ito. Pero, there's no way to escape this. I have to deal with this whether I like or not.

Saturday, January 16, 2010

LoVe lOvE LOve

Hmmm.

I suddenly feel the hunger for love.

I suddenly feel lonely.

I suddenly feel depressed.

I suddenly feel soooo alone for a long time...

As Kris Aquino always say, LOVE LOVE LOVE!

Friday, January 15, 2010

I'm starting to like You...

I always talk to someone right now. He's working as an accountant somewhere in Makati. Night shift. The good thing is I have been always sleeping late at night since I entered college. We talk or sometimes just exchange messages. I think it's been a month already since we first had our first chat. He's sensible. That's why he got my attention. He's really okay. He values his family (well, except his father).

Now, I'm starting to like him. Even though I was having second thoughts to inform him about that, I still told him that I'm starting to like him. Anyway, it's still LIKE. And, it's still in the process of liking him. When I told that to him, he said nothing in reply. So, I told myself, "Okay... At least I told him what I'm feeling." I think I'm mature enough to have the courage to tell that to him.

By the way, he's not yet inviting me to see him. He knows my work and study load. Maraming araw na free ako. So, siguro, he has no reason not to invite me. Unless, di niya ko gustong makita. hehe

I really do not know where this is going to. But, as of now, I am trying not to get used with his presence. Mahirap na. I easily get attached with people I like.

Monday, December 28, 2009

My Christmas was kinda Unsual this Year

I was asking what I could do during my Christmas vacation in my previous blog. Usually, I always stay at home, watching TV, and surfing the net. Sometimes, I read books (school books).

But this year's Christmas vacation has been unusual. Two days before Christmas, I went out with my three close college friends. Two of them are also working now so less time of being together, having chit-chats and all. One of my friends is working somewhere in Makati. She is not working as a call center agent but her shift is during night time. And, would you imagine she is the only one working during that shift? When she told us about this, I laughed really hard. She has no office mates around in their floor. In short, she has no one to talk to. When she goes home from work, no one is in their boarding house because her friends are working during daytime. In other words, she has no SOCIAL LIFE when she started working during night time.

I decided to ask her out with our other friends before I get busy again with my work and studies. My closest friend gave a treat. We ate pizza. Yes, pizza, my favorite. Since there were a lot of people eating there, we decided to move and transfer to Starbucks to have a nicer environment. We really had a great time exchanging stories. I really missed those moments I had with them during our college days. Kumbaga sa anti-virus, na-update na ang mga database namin.

On Christmas eve, we went to my Tita's house which is ten houses away from our home. We had a great kwentuhan. And, we had fun because the kids there were still playing that time. The next day, we attended the mass with the kids. At long last, I attended the mass again. I cannot remember the last time I went to church to attend the eucharist.

The day after Christmas, my family and my mother's siblings went to their Tita's house in Novaliches. The place was quite far from our place. It is near SM Fairview. We took the longer route, I think. When we took the Commonwealth--North Ave-EDSA route, it took us shorter time to arrive home. It was my first time to visit them. We just brought some food and we ate lunch there. My mother and her siblings visit them every Christmas. I, being some sort of anti-social, did not go with them. Just to make a difference, I tried to come with them. I had fun naman except the route which really bored me a lot.

And to top it all off, since I am now a part of the labor force, I am obliged to give aguinaldo to my inaanak and to the elders. I had three inaanak. The two of them are close to me. I already brought them clothes before Christmas but still I gave them aguinaldo. This is actually the first time I gave aguinaldo. I really have no choice because of the social norms. Since it's Christmas, it's the time of giving. Sabi nga nila, it's better to give than to receive. Sabi ko naman, iba pa rin ang feeling pag ako ang tumatanggap kaysa ako ang nagbibigay. hehehe!

Monday, December 14, 2009

Reasons... and Reasons

I really missed blogging. I used blogging as my avenue or outlet for my emotions. But for the past few days, nothing really triggered me to write something about something.

Here are some reasons why I created my blogs before:
1. I am so happy. Something happened between me and my crush. Kilig moments. And the like.
2. I am so sad. Things fall apart. People come and go. Depressed. Lost in a competition.
3. I am so mad. Vengeance. Anger. Karma.

Basically, none of them happened in the past two months I think. That's why, I have nothing interesting to write.

Well, before the year ends, I will be making a year-ender. A sort of an evaluation of year 2009.

And, matatapos na ang 2009, loveless pa rin ako. :D

My Christmas Vacation

Well, wala pa talagang plano for my Christmas vacation. After this coming Saturday ko na lang poproblemahin iyon.

Naka-attend na ako ng isang Christmas party last week. Nakakatawa kasi first time kong nanalo sa isang raffle draw. Ako pa ang unang nabunot. Sobrang saya ko talaga. Bath towel ang nakuha ko, maganda naman ang tela. Tapos sa exchange gift naman, donuts ang nakuha ko. Mas appreciate ko siguro kung hindi nauubos yung nakuha kong regalo.

Bukas, may Christmas party na naman akong pupuntahan with my co-employees. Somewhere sa Cubao ata ang venue. Sobrang clueless ako dahil hindi ko alam kung saan yun. Tapos sa Thursday, isa na namang Christmas party na kasama na ang ibang staff. Maghohost pa ata ako noon kaya good luck sa akin. May konting presentation pa man din kaming dapat ihanda.

Sa Sabado naman, may lakad daw kami with college friends. I just hope matuloy ito. Treat kasi ng friend ko dahil birthday niya sa mismong Christmas day. hehe.

After that, wala na akong plano para sa 2-week vacation ko. Any suggestion? Gusto kong magkakulay naman ang bakasyon ko at hindi na lang basta magkulong dito sa bahay. I have no friends na pwede isama sa labas or any outing. Napakaloner ko kasi napakaKJ ng friends ko...

Any suggestion? :-)

Monday, November 30, 2009

Looking for One's self

I am still looking for myself.


It seems I cannot find it until now.


I just want to give life to my life.


I am a puzzle with lots of missing pieces right now.


I am lonely.


Please...

Friday, November 20, 2009

Three Days

Lunes nang gabi, wala akong magawa. Naiinip ako. Wala akong maka-text at wala akong makausap. Nainip na rin ako sa Facebook dahil yun at yun din ang nakikita ko. Binuksan ko ang iba ko pang social networking sites pero walang kahit anong bago. Ang ginawa ko - binuksan ko ulit ang MIRC. Matagal na rin akong hindi pumapasok dun - sa Bi-Manila. Dahil wala akong magawa, sinubukan ko ulit kung mayroon akong makakausap na matino dun.

Habang nagpopost ako sa main room ng ad ko, tumitingin ako ng iba pang sites. Dahil sa totoo lang, kung hindi sex ang habol mo, sobrang limit na papansinin ang ad mo. Naka-isang oras na wala pa rin akong makausap nang matino. May nagsend na ng message pero wala ring kwentang kausap. Maya-maya naisipan kong basahin rin ang mga ads na nakapost sa main room. May isang nakahuli ng aking pansin. Sabi niya 6 footer daw siya. Okay. Weakness ko talaga ang height. Gusto ko malapit sa height ko. Kasing tangkad ko or kahit mas mataas sa 5'8. Ayun. Hindi nga niya ASL ko. As usual. Pagkabigay ko, hindi na nagreply. Siguro dahil sa location ko. hehe. Anyway, walang pagsisisi. Sana nga lang hindi siya naghahanap ng sensible na kausap tulad nang nakalagay sa ad niya kasi siya mismo hindi sensible kausap, nang-iiwan pa sa ere.

Pagkatapos nito, nagbasa pa rin ako ng mga ads. May isang ad na nakahuli na naman ng pansin ko. Ayun, pinansin ko tuloy. Hindi kasi kasing usual ng iba yung pinost niya. At mukhang matino ang hinahanap niya. Kinausap ko. Tulad ng karaniwang gawain, palitan ng impormasyon tungkol sa sarili. Nursing siya. Graduate na. 23. Pero hindi pa nagtatrabaho. Magtetake pa lang siya ng board exam sa katapusan. Sabi ko sa sarili ko, utang na loob, nursing na naman. Ang huling relationship ko kasi eh nursing din. Registered nurse na pala siya ngayon. Pero immature pa rin. :-)

Sabi ko I'm working part-time and I'm still studying. Mukhang napatigil siya. Gusto niya ata eh kumikita na. Bigla ko tuloy dinugtong na I'm pursuing my graduate studies. (Tumalbog siguro siya kaagad.) Then, he asked me where I am studying, sabi ko sa UP. As usual, napa-wow siya. Ewan ko ba. Ang taas ng tingin nila sa UP. Pero ganun na nga, nagkausap kami. May mga napagkwentuhan at sabi ko sa sarili ko, okay siyang kausap. Namiss ko yung ganitong chat, sa loob-loob ko. Bihira na talagang makakausap nang ganoon. Sabi ko, mind to exchange digits? Then, he gave his number. Binigay ko rin yung akin. Sabi ko, I'm sleepy na. Text text na lang. Tapos, I think I was the one who insisted to have a phone chat. He gave his landline and we had a phone conversation.

The phone chat lasted for an hour din. Madami kaming napag-usapan. Stranger pa rin tingin ko sa kanya and, most likely, ganun din siya sa akin. Pero parang nung nag-uusap kami parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Sabi ko, antok na talaga ako. May pasok pa ko bukas. It ended there. Kinabukasan, text siya nang text sa akin. Actually, since nagkawork ako, hindi na talaga ako pala-text. I even attempted to apply for a postpaid subscription pero sabi ko sayang lang kasi hindi na nga ako pala-text. So, I was forced to subscribe sa immortaltxt para makareply ako. Ayun, okay siyang katext. Ayaw ko lang yung pagiging makulit niya minsan pag matagal akong magreply. Grabe, sa loob-loob ko, mas matanda ito sa akin ah. Dapat mas patient siya sa akin. It turns out na mas impatient pa siya. Parang bata.

The next day, almost 11 p.m. na ako nakauwi because of my graduate classes. Sabi niya, usap daw kami. Nasa inuman siya with his two girl friends. Despedida raw kasi. So ayun. He called me. Hindi naman siya lasing kaya okay namang kausap. Pinakausap pa nga sa akin yung mga friends niya sa akin eh. His friends know. So, ayun. Ang tagal. 1 a.m. na kami natapos mag-usap. Around 2 hours kaming nagkausap sa phone. Sabi ko, namiss ko talaga yung ganito. Ang tagal na since yung last phone conversation ko na sobrang tagal. Nagpahinga kasi talaga ako sa paghahanap. (hahahaha!)

Anyway, the next day. Nagtetext na naman siya. At makulit pa rin. Pero hello naman, ilang oras na kami magkausap noong gabi. Tapos pati sa text gusto pa rin niya akong kausap. Ang punto ko lang naman, madaling magkakasawaan kapag ganito. At, yun nga ang nangyari sa amin.

I asked him if I could call him that night. Pagkauwi ko, tinawagan niya ako. He was watching a video streaming a net that time. Ang focus niya eh yun at hindi ako na kausap niya noong oras na iyon. So meaning, hindi siya masyadong nagsasalita. Ang tagal na walang nagsasalita. Ayaw ko ring magsalita dahil sa ginagawa niya. Sana hindi na lang siya tumawag. Sabi ko, inaantok na ako. Sabay baba ng phone. Naasar talaga ako noon. Kinabukasan, madalang na siyang magtext. Naramdaman ko naman na may pagkasawa na sa part niya. Kaya, okay lang sa akin. Hindi naman ako nag-expect sa kanya. Unlike before, sobrang dali kong maattach sa mga tulad ng ganyan.

Kinabukasan, nagtext siya. Sabi niya punta ko sa inyo. Overnight ako sa inyo. Well, siyempre sinabi ko ang totoo. Sabi ko, hindi pwede. Mahigpit nanay ko at hindi ako nagdadala sa bahay namin. Malamang, isa lang ang hangad niya. I'm so disgusted. So ngayon, nagkasawaan na kami. Tatlong araw. Three days lang. Expired na agad siya. TSk tsk. Ang hirap talagang makahanap ng magiging partner ngayong panahon na ito.

Sana matagpuan ko na siya at magtagal nang hindi lang three days kundi hanggang may nararamdaman kami para sa isa't isa. (Cheesy...)